AFP, tiniyak na walang mangyayaring spillover sa bansa sa harap ng gulo sa Afghanistan

Nanatiling kontrolado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sitwasyon sa Mindanao kung saan ay may presensya ng iba’t ibang local terrorist groups.

Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Ramon Zagala, minomonitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng AFP ang sitwasyon sa Afghanistan.

Ito ay matapos ang pangambang spillover sa Mindanao dahil sa posibleng pakikisimpatiya ng mga terorista sa pamamayagpag ng grupong Taliban sa Afghanistan.


Aniya, wala pa silang natatanggap na ulat hinggil sa pagiging agresibo ng mga terrorista sa Pilipinas dahil sa gulo sa Afghanistan.

Dagdag pa niya, patuloy ang pagsusumikap ng gobyerno na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa Mindanao katuwang ang Philippine National Police (PNP), mga lokal na pamahalaan at mga komunidad.

Inamin ni Zagala na nananatili ang banta ng terorismo sa bansa, ngunit kung patuloy aniya ang pagtutulungan ng bawat isa ay makakayang labanan ito sa kabila ng nararanasang pandemya.

Facebook Comments