AFP, tiniyak na walang nalalabag na karapatang pantao sa umiiral na martial law sa Mindanao.

Manila, Philippines – Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na walang nalalabag sa karapatang pantao sa umiiral na martial law sa Mindanao.

Sa Minda hour sa Davao City sinabi ni martial law Spokesperson at Eastern Mindanao Command B/Gen. Gilbert Gapay – nagpapatuloy ang maigting na implementasyon ng batas militar para mapigilan ang pag-atake sa lugar.

Ayon kay Gabay, dahil sa patuloy na pakikipagtulungan ng publiko at ibat-ibang law enforcement agencies at LGU’s — napigilan nila ang spill over ng kaguluhan.


Kasabay nito, sinabi ni Gabay na tuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa mga organisasyon at multi-sectorial group para ipaliwanag ang martial law.

Sa ngayon – aabot 13,149 checkpoints ang kanilang naipatupad habang tuloy din ang implementasyon ng curfew sa 210 municipalities at barangay sa Eastern Mindanao.

Facebook Comments