Marawi City – Umaasa ngayon ang Armed Forces of the Philippines na kahit na hindi nasunod ang October 15 na deadline, ay mataapos na nila ang bakbakan sa Marawi City sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, lumiit na lang sa dalawang ektarya ang kanilang battle area kasunod ng ginawa nilang pambobomba at malapitang pagsalakay sa mga terorista.
Ginamitan muli ng mga sundalo ng FA-fighter jets ang mga kalaban sa pagtatangkang tapusin na hanggang kahapon ang bakbakan.
Simula nang sumiklab ang gulo sa Marawi City, umabot na sa 822 na terorista, 162 naman mula sa hanay ng gobyerno at 47 na sibilyan ang nasawi.
Tiniyak naman ni Brawner na puspusan na ang kanilang mga ginagawang hakbang para matapos na ang gulo lalo’t pinupwersa na ng Maute ang mga bata at kababaihan para lumaban na rin para sa kanila.