Mindanao – Hindi pa rin magpapaka-kampante ang AFP o Armed Forces of the Philippines sa pagdurog sa bandidong Abu Sayyaf at iba pang teroristang grupo sa Mindanao.
Ito’y kahit abot kamay na ng militar ang tagumpay sa kanilang pakikipaglaban sa mga terorista at iba pang lawless elements sa rehiyon sa ilalim ng umiiral na batas militar.
Batay sa tala ng AFP, nasa 94 na miyembro ng Abu Sayaf ang kanilang napapatay, 66 naman ang mga naaresto habang 96 naman ang mga sumuko sa nakalipas na anim na buwan.
Pagmamalaki naman ni Lt/Gen. Carlito Galvez, pinuno ng WESTMINCOM o Western Mindanao Command, resulta iyon ng pinaigting na operasyon ng joint task force WESTMINCOM mula pa nuong Enero.
Facebook Comments