Nakatanggap ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 10 libong face shield at 30 sako ng bigas kahapon bilang tulong sa paglaban sa pagkalat ng COVID-19.
Ang donasyon ay mula kay Nelson Guevarra, ang Chairman ng External Affairs Committee ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industries Incorporated (FFCCCII), na isa ring Commodore sa Philippine Coast Guard Auxiliary.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Navy Capt. Jonathan Zata, ang donasyon ay makakatulong para dagdag sa Personal Protective Equipment (PPE) ng mga military frontliners na naka-deploy sa pinakamalaking quarantine facility sa Parañaque na pinasinayaan kamakailan.
Facebook Comments