Maging ang Armed Forces of the Philippines o AFP ay suportado rin isinasagawang Brigada Eskwela sa buong bansa.
Sinimulan ito ngayong araw at tatagal hanggang Mayo a-25.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, ang ilan nilang tauhan mula sa General Headquarters, Joint Task Force National Capital Region, Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy ay ipinakalat nila sa Metro Manila.
Habang ang Unified Commands naman ang bahala sa kanilang mga tauhan na maki isa sa Brigada Eskwela sa mga lalawigan.
Sinabi ni Detoyato na prayoridad nila ang mga paaralan sa mga mahihirap na lugar.
Bukod sa pagtulong sa mga pagaayos ng mga eskwelahan nakahanda rin ang mga sundalo na magbigay ng sapat na seguridad sa mga nagsasagawa ng brigada eswkela lalo na sa mga liblib na lugar.
Sinabi ni detoyato na taunan nilang ginagawa ang brigada eskwela bilang suporta sa Dept. of Education.