AFP, tutulong sa pag-aresto kay CPP Founding Chairman Joma Sison at 37 lider at miyembro ng komunistang grupo

Makikipagtulungan ang Armed Forces of the Philippines sa pag-aresto kay Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison at 37 iba pang lider at miyembro ng komunistang grupo.

Ito ay matapos na mag-isyu ng warrant of arrest si Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina, ng Regional Trial Court Branch 32 sa Manila, dahil sa mga kasong 15 counts of murder na may kaugnayan sa Inopacan massacre.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo sa kabila na nahuli ang pag-isyu ng warrant of arrest, maituturing pa rin itong victory lalo na sa mga pamilya ng mga biktima ng heinous crime.


Tiniyak ng AFP na hindi sila titigil hangga’t hindi naaaresto ang mga lider at miyembro ng CPP para mabigyang katarungan ang pagkamatay ng mga biktima.

Sa ngayon, makikipag-ugnayan aniya sila sa Department of Foreign Affairs, Department of Justice at International Police para maaresto si Sison na ngayon ay nasa ibang bansa.

Ang  Inopacan massacre ay nangyari sa Mt. Sapang Dako, Baranggay Culisihan, Inopacan, Leyte noong taong 1985.

67 ang namatay dahil sa rebel purge kung saan narekober lamang ang kanilang mga labi noong Aug 28 2006.

Facebook Comments