AFP, tutulong sa rehabilitasyon ng Marawi City

Marawi City, Philippines – Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila iiwang nakatiwangwang at sira-sira ang Marawi City sa oras na makuha nan g pamahalaan ang buong kontro sa lungsod.

Ayon kay AFP Spokesman Restituto Padilla, makikipagtulungan ang AFP sa mga kinauukulang tanggapan ng Pamahalaan sa rehabilitation ng Marawi City tulad ng paggawa sa mga nasirang imprastraktura at pati narin sa pagtulong sa mga residenteng naapektuhan ng gulo.

Para aniya maging matagumpay ang rehabilitasyon ay kailangang magtulong-tulong ang mga nasa gobyerno pati na ang mga nasa pribadong sector at ang mga residente ng lungsod.


Kasabay nito ay umapela si Padilla sa publiko na ipagpatuloy ang pananalangin upang matapos na ang kaguluhan sa Marawi City na kumitil nan g maraming buhay ng mga Pilipino.
DZXL558

Facebook Comments