AFP, umaasa na matatapos na ang gulo sa Marawi City

Manila, Philippines – Umaasa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na matatapos na ang gulo sa Marawi City kasabay ng pagdiriwang ng araw ng kalayaan sa Hunyo 12.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año – bagamat wala pang eksaktong petsa kung kailan matatapos ang gulo, kumpiyansa ito na mararamdanan na sa lungsod ang kalayaan mula sa terorismo.

Positibo naman si Western Mindanao Command Commander, Major Gen. Carlito Galvez – naparalisa na ang teroristang grupo sa Marawi.


Pagkatapos na ma-neutralize ang mga Maute members sa Marawi, ibang armadong grupo naman at terorista ang tatargeting tapusin ng AFP para hindi na maulit ang nagaganap sa Marawi City.

* DZXL558*

Facebook Comments