AFP, umaasang maseselyohan ang reciprocal access agreement sa pagitan ng Japan

Umaasa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na malalagdaan na sa pagitan ng Pilipinas at Japan ang Reciprocal Access Agreement (RAA) sa 2+2 meeting sa Lunes.

Ayon kay Gen. Brawner, mahalaga ang RAA dahil magpapahintulot ito sa pwersa ng Japan na magsagawa ng mga military trainings kasama ang Pilipinas.

Makakapagpadala rin ang Pilipinas ng mga sundalo sa Japan para magsanay kasama sila.


Sinabi ni Brawner na habang wala pa ang RAA, ang Japan ay aktibo sa subject matter exchanges at Humanitarian Assistance and Disaster Relief operations sa Pilipinas.

Noong Nobyembre ng nakalipas na taon sinimulan ng Pilipinas at Japan ang negosasyon para sa RAA.

Ang kasunduan ay lilikha ng legal na batayan para sa mga bansa na magpadala ng mga sundalo sa teritoryo ng isa’t isa para sa pagsasanay at iba pang operasyon.

Facebook Comments