May apela ang Armed Forces of the Philippines sa ilang grupo at indibidwal na iwasang iugnay ang kanilang organisasyon sa kanilang anumang political agenda.
Ito ay sa harap ng mga isyung hindi raw pinapasok sa Camp Aguinaldo sa Quezon City si presidential candidate Leni Robredo kamakailan.
Bukod dito, isa raw sa mga supporters ni Robredo ang pinaalis sa isang parking area sa San Fernando Airbase.
May mga lumalabas ding balita na sinusuportahan din ng militar si VP Leni.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala, nanatiling non-partisan ang buong hanay ng AFP at nakatuon lang sila sa mandatong protektahan ang mga Pilipino at Estado.
Giit ni Zagala, mahigpit palagi ang paalala ng AFP sa kanilang hanay na huwag mauugnay sa sinumang pplitiko lalo sa kanilang mga aktibidad ngayong panahong halalan.