MANILA – Hindi na muna masasaksihan ang tradisyunal na “flyby” o paglipad ng mga air asset ng militar sa ika-81 taong anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines, ngayong araw.Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Resty Padilla, gusto lamang nila magkaroon ng simple at makahulugang pagdiriwang ngayong taon.Ayaw na rin nilang makadagdag pa sa air traffic lalo na’t dito sa Metro Manila gaganapin ang kanilang anibersaryo.Sinabi ni Padilla, na kung sa Clark Pampanga sana gaganapin ang pagdiriwang ay mas magiging madali ang kanilang paghahanda at hindi rin sila makakagulo sa air space.Nabatid na tuwing anibersaryo ng AFP, isinasagawa ang tradisyunal na parada na may kasamang jet high-speed pass at flyby ng mga air asset ng militarNoong nakaraang taon, hindi bababa sa apatnapung (40) air assets ang ibinida ng Philippine Air Force.Bagamat walang flyby ngayong taon, magkakaroon pa rin ng showcase ng mga ground assets.Samantala – inaasahan naman na pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anniversary rites mamayang alas-tres ng hapon.
Afp – Wala Munang “Fly By” O Tradisyunal Na Paglipad Ng Kanilang Air Asset Sa Kanilang Anibersaryo, Ngayong Araw
Facebook Comments