AFP, wala pang impormasyon hinggil sa umano’y sugatang sundalo sa resupply mission sa Ayungin Shoal

Patuloy pa ang pagkalap ng impormasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa isang sundalong Pilipino na nasugatan sa pinakahuling resupply mission sa Ayungin Shoal.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, kumukuha pa sila ng detalye sa naturang report.

Ito’y matapos ang napabalitaang banggaan ng barko ng Pilipinas at China sa South China Sea kahapon na una nang nai-report ng Chinese Media.


Nabatid na base sa lumabas na impormasyon nagtamo ng severe injury ang sundalo at kinailangan pa ng medical evacuation sa lugar.

Una nang kinondena ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson ang agresibo at mapanganib na aksyon ng China na naging sanhi ng “bodily injury” sa ating sundalo at pagkasira ng ating barko.

Muli ring tiniyak ni Ambassador Carlson na nasa sa likod ng Pilipinas ang Estados Unidos upang suportahan ang isang malaya at bukas na Indo-Pacific Region.

Facebook Comments