AFP, walang nakikitang foul play sa pagbagsak ng military plane sa Patikul, Sulu

Hindi nakikitaan ng foul play ang pagbagsak ng military aircraft sa Patikul, Sulu kamakalawa.

Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Major General Edgard Arevalo kung pagbabatayan ang mga pangyayari at impormasyon na hawak ngayon ng AFP.

Aniya, walang nakikitang foul play o sinadya ang pagbagsak ng military plane.


Sabi ni Arevalo, sakto lang ang bilis ng aircraft sa pag-landing nito ngunit hindi nila batid kung bakit hindi ito sumakto sa runway.

Kaya kasama ang runway sa susuriin o iimbestigahan gayundin ang klima, kagamitan at kaalaman ng mga piloto.

Aalamin din aniya ng mga imbestigador ang black box o flight data recorder maging ang mga espekulasyon na overloading ang nangyari kaya nag-crash ito.

Facebook Comments