Pinawi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangamba ng publiko sa presensya ng Chinese vessel malapit sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, naniniwala sila na wala namang masamang intensyon ang mga barko ng China.
Sabi pa ni Arevalo, wala ring Chinese militar na nakasakay sa mga barko ng China at hindi rin nananakit at nagtataboy ng mga Pilipinong mangingisda na pumapalaot malapit sa Panatag Shoal.
Una nang nilinaw ng AFP na nasa 257 lang at hindi 617 ang namo-monitor nilang Chinese vessels sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
Pagtitiyak ni Arevalo, mananatili silang nakabantay sa mga teritoryo ng Pilipinas at poprotektahan ang soberenya ng bansa.
Facebook Comments