AFP, walang namo-monitor na mga foreign ships sa Benham Rise

Walang namamataan na foreign vessels sa Benham Rise.

Ito ang iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng isinagawang pagpapatrolya ng mga barko ng Pilipinas sa nasabing karagatan.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad sa mga nakalipas na araw ay walang namataang foreign vessels sa lugar bagama’t may ilang barko ng China na na-monitor subalit ito’y dumaan lamang at hindi nanatili sa Benham Rise.


Matatandaan nitong nakalipas na linggo, namataan ang dalawang Chinese research vessels na nakahimpil sa energy-rich Benham Rise.

Facebook Comments