AFP, walang namonitor na presensya ng Turkish terrorist sa bansa

Manila, Philippines – Walang namomonitor ang Armed Forces of the Philippines na nakapasok na sa Pilipinas ang teroristang grupong Fetullah Gulen Movement na galing ng Turkish.

Taliwas ito sa naging kumpirmasyon nina Turkish ambassador Esra Cankorur at ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na batay sa kanilang intelligence report ay nasa Pilipinas na ang Turkish terrorists.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, mas makabubuti kung makikipag ugnayan sa kanilang hanay ang ambassador ng Turkey para makapagbigay ng source of information.


Pero, sinabi ni Padilla na may na-monitor silang kahalintulad na impormasyon pero ito ay patuloy pa nilang biniberipika.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments