Kasabay ng pagsisimula ng Balikatan Exercise 2024 sa Lunes, nakahanda na ang Western Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP WESCOM).
Ang WESCOM kasi ang magiging sentro ng dalawang major Combined Joint All Domain Operations events kabilang dito ang Training on Maritime Key Terrain Security Operations at High Mobility Artillery Rocket System Rapid Insertion Operations.
Magkakaroon din ng Multilateral Maritime Exercise sa mga barko ng mga bansang kalahok na gagawin sa Exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Maliban dito, mayroon ding kasamang Humanitarian Civic Assistance projects ang Balikatan tulad ng pagtatayo ng health care center sa Barangay Punta Baja, Rizal, at iba pang civil military engagements sa lugar.
Ayon kay WESCOM Chief Vice Admiral Alberto Carlos, inaasahang magbibigay ito ng mas mahusay na access sa serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng barangay at sa iba pang mga kalapit na komunidad sa lalawigan.
Layon ng pagsasanay na magkaroon ng kolaborasyon, at pagpapalakas ng interoperability sa pagitan ng dalawang magkaalyadong bansa.