Nagpahayag ng pagkabahala ang Armed Forces of the Philippines o AFP-Western Command sa resurgence o dumaraming bilang ng mga barkong pangisda ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Base sa kanilang air patrols noong September 6 at September 7, mayroong 30 Chinese fishing vessels sa iba’t ibang bahagi ng ng West Philippine Sea.
23 dito ay nasa Iroquois Reef, lima sa Sabina Shoal, at dalawa sa Nares Bank.
Sinabi pa ng WESCOM na mayroong implikasyon sa maritime security, fisheries conservation, territorial integrity, at preservation ng marine environment ang presensya ng mga barkong pangisda ng China sa WPS.
Facebook Comments