AFP, western command napigilan ang mga bangka ng China sa pagsasagawa ng ilegal na pangingisda sa Ayungin Shoal

Napigilan ng Armed Forces of the Philippines Western Command (AFP-WesCom) na magsagawa ng ilegal na pangingisda ang mga bangka ng China matapos silang makita malapit sa Ayungin Shoal.

Dahil dito, agad na inescortan ng ahensya ang mga nasabing bangka palayo sa nasabing lugar at kinumpiska ng mga operatiba ang mga nasabing gagamitin sa ilegal na aktibidad.

Nakumpiska sa kanila ang mga boteng hinihinalang naglalaman ng cyanide chemicals na ayon sa ulat ay ginagamit sa mapaminsalang pangingisda.

Ayon sa AFP, patuloy ang kanilang presensya at pagpapatrolya sa West Philippine Sea para masiguro na ligtas ang mga tauhan nito pati na rin marine environment sa bahagi ng bansa.

Facebook Comments