AFP Western Command, nasagip ang 9 na tauhan ng nawasak na Tubbataha Ranger Station

Naligtas ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines Western Command (AFP WesCom) ang tatlong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), dalawang miyembro ng Philippine Navy at apat na sibilyan na nagmamando ng Tubbataha Ranger Station sa Tubbataha Reef, Cagayancillo, Palawan.

Ito’y matapos humingi ng saklolo ang mga ito, nang mawasak ang kanilang ranger station dahil sa malakas na hangin at alon.

Nang matanggap ng WesCom ang distress call, agad idineploy ni WesCom Commander Vice Admiral Alberto Carlos ang BRP Gregorio del Pilar para magsagawa ng rescue operation.


Kahapon, nakarating sa Tubbataha Reef ang BRP Gregorio del Pilar sa gitna ng masamang lagay ng karagatan at naisakay ang mga stranded na tauhan ng ranger station pati ang kanilang mga kagamitan.

Facebook Comments