Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP-Westmincom) na hindi na mauulit ang mga atake katulad ng ginawa ng Maute Group sa Marawi City noong 2017.
Ayon kay AFP Westmincom Spokesperson, Lt/Gen. Cirilito Sobejana, humihina na ang pwersa ng teroristang grupo.
Aniya, patuloy na tinutugis ang mga natitirang miyembro nito, maging ang iba pang grupo gaya ng Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), at Jemaas Islamiyah.
Kahit hindi na palalawigin ang Martial Law sa Mindanao, mayroong Executive Order 70 na magpapaigiting ng kanilang mga hakbang laban sa mga ganitong banta.
Sa ulat ng AFP-Westmincom, nasa walong Foreign Terrorists ang nasa bansa habang bineberipika ang 60 iba pa.
Facebook Comments