AFP Western Mindanao Command, tiniyak na magbibigay rin ng logistic support sa COMELEC

Siniguro ni Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr. ang “availability” ng lahat ng kanilang assets at iba pang logistic requirements ng Commission on Elections (COMELEC) sa paghahatid ng mga election material at equipment para sa national and local elections.

Ginawa ni Lt. Gen. Rosario ang pagtiyak sa kanyang pagbisita sa Joint Task Force Central Headquarters sa Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kahapon.

Nagbigay naman ng security briefing si Maj. Gen. Juvymax Uy, commander ng JTF Central, kaugnay ng kanilang paghahanda para eleksyon.


Ayon kay Uy na may mga tauhan silang idineploy para sa election duties habang ang iba ay patuloy sa kanilang regular na military operations laban sa mga threat group sa kanilang area of responsibility.

Mahigpit ang bilin ni Lt.Gen. Rosario sa JTF Central na siguraduhin na ang mga threat group at iba pang armadong grupo ay hindi makapagsagawa ng terrorismo na maaring makaapekto sa malayang pagboto ng mamamayan sa Mayo 9.

Facebook Comments