Africa, idedeklara ng polio-free ayon sa World Health Organization

Idedeklara na ang Africa bilang polio-free na bansa ayon sa World Health Organization (WHO).

Ayon kay Dr. Matshidiso Moeti, WHO Director for Africa, matutuldukan na ang tatlong dekadang epekto ng polio sa Africa kung saan apektado ang higit 75,000 kabataan kada taon.

Karaniwang tinatamaan ng polio ang mga batang edad lima pababa na nagre-resulta ng paralysis at pagkasawi.


Ang Nigeria ang huling African country na nagdeklara ng polio-free habang nagpapatuloy pa rin ang sakit sa Afghanistan at Pakistan.

Facebook Comments