African Swine Fever, mayroon na sa bansa noon pang Mayo, ayon sa Dept. of Agriculture

Ibinunyag ng Department of Agriculture (DA) na noong buwan ng mayo pa lamang ay mayroon nang naiuulat na kaso ng African Swine Fever sa bansa.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, hindi pa siya nakakaupo sa pwesto ay may mga natatanggap ng ulat ukol sa ASF.

Depensa naman ni dating Agriculture Secretary na ngayo’y Mindanao Development Authority (MINDA) Chairperson Manny Piñol, malabong nagkaroon ng ASF noon dahil malalaman naman agad ito.


Sinabi naman ni Rosendo So, Presidente ng Samahang Industriya ng Agrikultura,  napigilan sana ang pagkalat ng virus kung maaga silang naabisuhan.

Para kay World Animal Protection Global Farming Director Mark Dia, hindi naging bukas ang DA sa publiko at sa hog industry para sana malabanan agad ang ASF.

Sa impormasyon mula sa World Organization for Mental Health, July 25 naitala ang unang kaso ng ASF sa bansa, pero iginiit nina Dar at Piñol na hindi ito nakarating sa DA.

Sa ngayon, aabot na sa 15,000 baboy na ang pinatay sa 11 lugar na apektado ng ASF.

Isa pang Barangay sa Antipolo ang nagpositibo na rin sa ASF pero hindi muna ito tinukoy ng DA.

Facebook Comments