AFTERMATH | Bilang ng mga nasawi sa hagupit ng Ompong, halos 60

Pumalo na sa 59 indibidwal ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Ayon kay Philippine National Police Spokesman Benigno Durana, sa nasabing bilang 49 sa mga ito ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Aniya, pito naman ang namatay sa Region 2 at tig-isa sa National Capital Region, Region 1 at Region 3.


Nasa 16 naman aniya ang nawawala at 33 ang nasugatan.

Sabi ni Durana, inaasahan nila na tataas pa ang bilang ng mga namatay dahil nagpapatuloy pa ang search and rescue operations.

Facebook Comments