AFTERMATH | Damage assessment, sinimulan na ng DSWD

Nagsasagawa na ngayon ang mga miyembro ng rapid damage assessment and needs analysis team ng inspection sa mga nasirang inprastraktura sa Nueva Vizcaya matapos ang halos isang linggo mula ng hagupitin ni bagyong Rosita .

Unang ininspeksyon ng team ang lawak ng pinsala sa mga lalawigan ng Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, layunin nito na ma- evaluate at madetermina ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya upang matulungan pa sila hanggang makabalik sa normal nilang kabuhayan.


Sa kasalukuyan, nasa 15 evacuation centers ang bukas pa na nagbibigay ng pansamantalang masisilungan sa 135 pamilya o 466 katao sa Regions 2, 8 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Nakapagpalabas na ang DSWD ng higit P5.8 milyong halaga ng tulong sa mga biktima ni Rosita at aasahan pa daw ang pagpapadala ng karagdagang family food packs sa mga lugar sa Mt. Province na itinuturing pang isolated.

Facebook Comments