AFTERMATH | Inisyal na halaga ng pinsala sa mga irrigation facilities sa Mindanao dulot ng nagdaang Bagyong Vinta at Agaton, umabot sa P500 milyon

Manila, Philippines – Aabot sa 500 milyong piso ang inisyal na pinsala sa mga irrigation facilities sa Mindanao dulot ng nagdaang bagyong Vinta at Agaton.

Ito ay batay sa ginawang assessment ng NIA pagkatapos manalasa ang dalawang bagyo sa maraming lugar sa rehiyon.

Ayon kay NIA spokesperson Pilipina Bermudez kabilang sa mga lalawigan na grabeng nasira ang mga irrigation facilities ay ang Lanao del Sur,Cagayan de Oro City,Cotabato,Samar at Leyte.


Paliwanag pa ni Bermudez dahil walang sapat na pondo ang NIA para sa pagkumpuni ng mga nasirang pasilidad,ipinasa ng ahensiya ang pagpapaayos nito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Nilinaw pa nito na mayroong 500 milyong pisong alokasyon ang NIA pero ito ay para sa buong taong 2018 at hindi kasama ang malaking pinsalang idinulot ng kalamidad na nangyari bago matapos ang taong 2017.

Facebook Comments