AFTERMATH | Itogon LGU, problemado pa rin sa relocation site

Problemado pa rin ng Local Government Unit (LGU) ng Itogon, Benguet sa paghahanap ng relocation site para sa mga residenteng naapektuhan ng landslide sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ompong nitong Setyembre.

Una rito, idineklara ng DENR na “uninhabitable” o hindi na pwedeng tirahan pa ang halos kabuuan ng Itogon.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Mayor Victorio Palangdan na may lugar pa silang tinitingnan sa Itogon na pwedeng tirhan ng nasa 1,000 pamilya naapektuhan ng bagyo.


Pero sakaling hindi pumasa sa pagsusuri Ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), mapipilitan silang bumili ng lupa sa labas ng Itogon ang problema, mas mahal aniya ang presyo nito.
Naglaan na ang National Housing Authority (NHA) ng P10-milyon na pambili ng lupa at karagdagang P10-milyon para sa construction materials.

Gayunman, aminado si Mayor Palangdan na kulang pa rin ang nasabing tulong.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments