AFTERMATH | Militar nagsagawa ng clearing operations sa landslide areas sa CAR

Clearing operations na ngayon ang ginagawa ng mga sundalo mula sa Northern Luzon Command sa mga kalsada sa Cordillera na naapektuhan ng mga landslides.

Ayon kay Maj Ericson Bulosan, Chief PIO ng NOLCOM na na-clear na ng mga tropa ng 54th Infantry Battalion (54IB) na pinamumunuan ni Ltc. Narciso Nabulneg ang daan mula Tabuk, Kalinga patungong Paracelis in Mt. Province.

Ngayon naman aniya ay nakatutok ang 54IB sa pag-clear ng Paracelis hanggang Natonin road.


Magugunitang sa simula ay nahirapan ang mga responders na makarating sa Natonin kung saan natabunan ng lupa ang gusali ng DPWH district 2, dahil sa apektado ng landslides at baha ang mga daanan patungo sa lugar.
Iniulat pa ni Bolusan na nakarating na sa Natonin kahapon ang anim na Search, Retrieval and Rescue (SRR) Teams mula sa 525th Engineer Combat Battalion para tumulong sa paghahanap sa mahigit 20 kataong na-trap sa natabunang gusali.

Facebook Comments