AFTERMATH | P182 milyong ayuda sa mga magsasaka na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo, inilabas ng Department of Agriculture

Manila, Philippines – Nagpalabas ng 182 million bilang ayuda sa mga magsasaka na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Nagpalabas ang Department of Agriculture (DA) ng P182-million bilang tulong pinansyal para sa mga magsasaka na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Unang Nakatanggap ng tulong pananalapi ang may 20,000 na magsasaka sa anim na rehiyon sa Mindanao na matinding sinalanta ang kanilang mga pananim .
Kabilang sa nakatanggap ng ayuda ay:


– Zamboanga Peninsula (Region 9) – P 18.5-M para 3,348 na magsasaka
– Northern Mindanao (Region 10) – P 42.2-M para 4,439 magsasaka
– Davao Region (Region 11) – P 50.1-M – 5,284 magsasaka
– Caraga Region (Region 13) – P 16.3-M
– Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) – P 1.2-M

Ngayong a kuatro ng Enero ay napagkalooban na rin ng ayuda ang mga benepisaryo sa Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao.

Dumating na rin sa mga apektadong Lugar ang mga binhi ng mais at palay na pamalit sa mga nasirang pananim ng mga magsasaka.

Facebook Comments