Pinamamadali na ng National Electrification Administration (NEA) Luzon ang restoration ng power lines na sinira ng nagdaang bagyong Rosita sa Isabela at Quirino sa Northern.
Ayon kay NEA Administrator Edgardo Masongsong, nagpadala pa sila ng karagdagang skilled line workers sa mga apektadong lalawigan.
Ito ay maliban sa 85 line workers, 12 boom trucks na may dalang equipment at 8 utility vehicles na nagmula sa 12 Electric Cooperatives sa Central Luzon na bahagi ng Power Restoration Rapid Deployment Task Force Rosita.
Base sa report ng NEA Disaster Risk Reduction Management Department, nasa 108,012 kabahayan pa sa 8 lalawigan sa Luzon na saklaw ng 9 na Electric Cooperatives ang wala pang ilaw hanggang ngayon.
Nasa 92.35 percent o 1,304,173 ng 1,412,185 kabahayan na nawalan ng kuryente ang ganap nang naibalik ang power supply.
Sinabi pa ng NEA umabot sa P37.619 million ang initial damage sa mga pasilidad ng electric cooperatives sa Northern Luzon na sinira ng nagdaang bagyo.