AFTERMATH | Pagsasaayos sa mga eskwelahang winasak ni Ompong, dapat iprayoridad ng DepEd

Iginiit ni Committee on Education Vice Chairman Senator Win Gatchalian sa Department of Education o DepEd na iprayoridad ang pagpapaayos sa mga paaralan na sinira ng nagdaang malakas na bagyong Ompong.

Ayon kay Gatchalian, umabot sa P2.65 billion ang halaga ng pinsalang inabot ng mahigit 7,000 mga paaralan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Zamboanga, Autonomous Region of Muslim Mindanao, Cordillera Administrative Region at Metro Manila.

Binigyang diin ni Gatchalian na mahalagang maipagawa na ang nabanggit na mga paaralan dahil kawawa naman ang libu-libong mga estudyante na hindi makakapasok at makakapag-aral dahil dito.


Paalala ni Gatchalian sa DepEd, gamitin ng tama at naaayon sa prosesong inilabas ng Commission on Audit (COA) ang Basic Education Facilities Fund para sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng mga nasirang school buildings.

Facebook Comments