AFTERMATH | Patay sa bagyong Ompong, posibleng madagdagan pa!

Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Una rito, 59 na ang naitalang casualties na karamihan ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa landslide.

Sa kabuuang bilang, 38 ay mula sa Benguet, siyam sa Baguio, isa sa Kalinga, anim sa Mountain Province, tatlo sa Nueva Vizcaya at tag-isa mula sa Ilocos Sur at Cagayan.


Samantala, ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, anim na ang naitatalang nasawi sa kanilang lugar kabilang ang mag-asawang senior citizen na madaganan ng puno ang bahay.

Dalawa rin sa bayan ng Baggao na kinilalang sina Rosalina Dela Cruz at Petring Moises at tag-isa mula sa bayan ng Penablanca at Gonzaga.

Samantala, umabot na sa 147,540 pamilya o 591, 762 indibidwal ang apektado ng bagyo mula sa 2,738 na mga barangay sa 31 probinsya sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, NCR at CAR.

Pinakamarami ay naitala sa Region III (286,730), sinundan ng Region I (109,472) at Region II (90,523).

Sa kabuuang bilang, 50, 686 na pamilya o 192,842 katao ang nananatili pa rin sa mga evacuation center.

Facebook Comments