Pumalo na sa 88 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Ompong.
Batay ito sa mga datos na nakuha ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga regional officer sa Region 1, 2, 3, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).
Nasa 64 naman ang nawawala habang 70 ang sugatan.
Mahigit labing dalawang libo naman ang bilang ng mga residenteng nananatili sa mga evacuation center.
Habang higit 1,000 pang mga lugar ang wala pa ring supply ng kuryente kung saan ang karamihan ay nasa Cagayan.
Facebook Comments