AFTERMATH | Patay sa pananalasa ni Ompong umakyat na sa 74 – PNP; 55, patuloy na pinaghahanap

Sumampa na sa 74 na indibidwal ang kumpirmadong namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Batay ito sa monitoring ng national operation center ng Philippine National Police (PNP).

Karamihan sa mga nasawi ay naitala sa Cordillera Administrative Region (CAR).


Sa ulat pa ng PNP, 55 indibidwal pa ang missing o pinaghahanap at ngayon ay focus sa search and retrieval operation, marami rin sa mga ito ay sa rehiyon ng CAR.

Nakapagtala rin ang PNP ng 74 na inidibidwal na nasugatan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ompong.

Patuloy ang monitoring ng PNP national operation center sa Camp Crame lalo at nagpapatuloy rin ang search and retrieval operation partikular sa Itogon Benguet na lubhang sinalanta ng bagyong Ompong.

Facebook Comments