Pumalo na sa ₱14 billion halaga ng agricultural products ang napinsala ng pagtama ng bagyong Ompong sa ilang lalawigan sa Luzon.
Base sa datos ng Department of Agriculture (DA), kabilang sa mga nasirang pananim ay palay, mais at iba pang crops.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – ang bagyong Ompong na ang maituturing na ikalawa sa mapaminsalang bagyo na dumaan sa bansa bukod sa bagyong Yolanda noong 2013.
Aabot sa higit 500,000 ektarya ng agricultural areas ang sinira ng bagyo na may tinatayang production loss na nasa 731,924 metric tons.
Nasa ₱5.51 million ang narekord na livestock losses.
Facebook Comments