
Suspendido na ang afternoon classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Malabon ngayong Huwebes, Hulyo 3, 2025.
Sa kabila nito, magpapatuloy ang morning classes sa pamamagitan ng alternative delivery mode (ADM) – asynchronous sa pampublikong paaralan simula alas 10 ng umaga.
Sa anunsyo ng Department of Education-Malabon (DepEd-Malabon) kaninang alas-8:00 ng umaga nasa desisyon ng pribadong paaralan ang kanilang temporary suspension at mode of delivery.
Patuloy naman ang malakas na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon (HABAGAT) sa Malabon kung saan nakataas ang Yellow Heavy Rainfall Warning sa Metro Manila at inaasahan ang pagtaas ng tubig dahil sa patuloy na pag-ulan.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga mahahalagang impormasyon o anunsiyo ukol sa lagay ng panahon at maging alerto anumang oras kasabay ng pag-iingat para sa kaligtasan ng lahat.
Kung may emergency, maaaring makipag-ugnayan sa Malabon Command Center sa mga numerong 8-921-6009, 8-921-6029, 0942-372-9891, o 0919-062-5588.
Maaari rin mag-text sa 0917-889-8657.









