Aftershocks na naitala kaugnay ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Surigao del Sur, umabot na sa mahigit 3,000

Patuloy na nakakapagtala ng aftershocks ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa ilang bahagi ng Surigao del Sur kasunod ng pagtama ng magnitude 7.4 na lindol.

Sa ngayon, mayroon ng 3, 336 na aftershocks ang naitala.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 132,615 pamilya o katumbas ng 528,203 na mga indibidwal ang apektado ng pagyanig kung saan 8 pamilya o 28 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center habang hindi pa nasisigurong ligtas na bumalik sa kani-kanilang mga tahanan.


Tatlo ang naiulat na nasawi at nakapagtala din ng 48 sugatan.

Samantala, mula sa mahigit 100 inisyal na naitalang napinsalang kabahayan, umabot na ito ngayon sa 3, 585.

3,481 dito galing sa CARAGA at 152 naman ang galing sa Region 11 kung saan 304 na mga bahay ang totally damaged o lubusang napinsala.

Nakapagtala rin ng 266 na mga imprasktrakturang napinsala sa Region 11 at CARAGA.

Sa ngayon, nasa halos P4 milyong tulong na ang naipagkaloob ng pamahalaan sa mga apektado ng lindol.

Facebook Comments