Patuloy pa ring nakakaranas ng mga pagyanig ang Davao de Oro, isang linggo matapos ang magnitude 6 na lindol noong Pebrero 1.
Sa huling rekord ng Philippine Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, umabot na sa 1,251 ang kabuuang paggalaw o mga aftershock.
Ilan sa mga ito ay nasa 1.3 hanggang 4.5 ang magnitude range kung saan nasa 87 ang plotted earthquake at tatlong ang felt earthquake.
Nasa 15 kilometers ang ang lalim ng naturang lindol at natuloy ang epicenter sa New Bataan Davao de Oro.
Facebook Comments