Aga Muhlach, inaming tumatanggi sa mga alok na pelikula dahil sa pagiging overweight

Showbiz – Inamin ng aktor na si Aga Muhlach na ang pagiging overweight niya ang dahilan kung bakit tumanggi siyang gumawa ng pelikula sa loob ng anim na taon.

Ayon kay Aga, taon-taon daw ay inaalok siyang bumida sa isang romantic movie pero hindi siya komportableng gawin ang mga ito dahil sa kanyang itsura.

Say pa ni Aga, tinanggap niya ang pelikulang *Seven Sundays* dahil hindi niya kailangang magpapayat para sa role niya rito.


Dahil sa nabuong chemistry ni Aga sa kanyang mga co-stars na sina Dingdong Dantes, Enrique Gil at Cristine Reyes, pangarap naman daw niyang makasama ang mga ito sa isang TV show.

Sa ngayon, on going ang ginagawang diet ni Aga pero inamin niyang na nahihirapan siya na gawin ito.

Facebook Comments