Hindi hinihikayat ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield na agad na umuwi sa probinsya o di kaya bumisita sa mga kamag-anak o pamilya pagkatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at ipatupad ang General Commuity Quarantine (GCQ).
Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, mataas pa rin ang banta ng Coronavirus disease at sa mga ba byahe para umuwi sa kanilang probinsya ay maaring mabitbit ang virus.
Paliwanag ni Eleazar hindi go signal ang pag-lift ng ECQ para umuwi na sa mga probinsya.
Prayoridad lamang na payagang maka byahe ang mga locally stranded individual kaya naman iniutos na ni PNP Chief Police General Archie Franciscio Gamboa sa mga Police commanders na makipag ugnayan sa mga Local Government Units (LGUs) para matukoy ang bilang ng mga localy stranded individuals sa kanilang area.
Kinakailangan din may medical certificate mula sa mga health offices ng mga LGU ang mga ba byahe pauwi ng probinsya para matiyak na sila ay hindi infected ng COVID-19.