Manila, Philippines – Ipinagpasalamat ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales
ang agad na pagbasura ng Supreme Court (SC) sa disbarment case sa kaniya ng
dating Manila Councilor na si Greco Belgica.
Ayon kay Morales, bagama’t inaasahan na niya ito, natuwa pa rin siya dahil
sa agarang aksyon ng mga mahistrado.
Nag-ugat ang reklamo ni Belgica sa umano’y pag-abswelto ng Ombudsman kay
dating Pangulong Benigno Aquino III sa implementasyon ng DAP.
Pero ayon sa korte, hindi maaaring ipa-disbar si Morales habang ito ay nasa
pwesto dahil required sa Ombudsman na ito ay isang abogado.
Maaari lang daw paalisin ang opisyal sa pamamagitan ng impeachment.
Facebook Comments