Patuloy na pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang rekomendasyon ng mga eksperto na agad na bakunahan ang mga kakagaling lamang sa COVID-19.
Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tinatalakay na nila ito lalo na at kailangang protektahan ang mga tao ngayong mataas ang community transmission sa Metro Manila.
Inamiyendahan din nila ang protocol, kung saan mula sa 90-araw ay ibinaba sa 14 na araw bago payagan ang mga tinamaan ng COVID-19 na magpabakuna.
Pero inirekomenda ng mga expert na agad bigyan ng pagkatapos gumaling ng pasyente.
Pagtitiyak ng DOH na sinisilip na nila ang proposal.
Facebook Comments