Agad na pagpapauwi sa mga labi ng dalawang pilipinong pinatay sa Cyprus, pinatititayak ng isang Kongresista

Hiniling  Cong. John Bertiz sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa Department of Labor and Employment (DOLE) na tiyakin ang maayos at agarang repatriation ng mga labi ng mga Pilipinong sinasabing biktima ng serial killing sa Cyprus.

Dalawang Pinoy household service workers ang natagpuang patay sa abandonadong minahan sa Nicosia.

Kinilala ang mga ito na sina Mary Rose Tiburcio, 38-anyos at Arian Palanas Lozano, 28-anyos.


Isa pang Pinay ang napaulat na nawawala sa nasabing bansa.

Kasabay nito’y, hinimok ni Bertiz ang DFA at DOLE na imbestigahan ang umano’y pagtaas ng bilang ng undocument OFWs sa Cyprus, dahilan para maging pahirapan ang pagmonitor sa mga ito at matiyak ang kanilang kaligtasan doon.

Facebook Comments