Kailangan nang magbigay ng agarang ayuda ang pamahalaan para sa mga sektor na apektado ng walang-prenong pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo, bukod sa mga tsuper at operator ay apektado rin ng serye ng oil price hike ang mga magsasaka at mangingisda.
Aniya, hindi batas o matagalang pag-aaral, sa halip ay executive action ang kailangan para maibigay ang tulong.
Samantala, pabor din si Robredo sa nasimulan nang proseso sa pag-review ng minimum wage dahil bumaba na ang tunay na halaga ng sahod ng mga manggagawa dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Facebook Comments