Agarang imbestigasyon at pagsasapubliko sa mga naging aberya sa pagsasagawa ng Overseas Absentee Voting, ipinanawagan ng isang election watchdog

Dapat imbestigahan agad at isapubliko ng Commission on Elections (COMELEC) ang magiging resulta ng imbestigasyon kaugnay sa ilang problema sa Overseas Absentee Voting.

Panawagan ito ng election watchdog na Kontra Daya kasunod ng ulat na wala ang pangalan ni presidential candidate Vice President Leni Robredo sa balota.

Ayon kay Kontra Daya Convenor Danilo Arao, kahit maliit na problema lang ito ay dapat masolusyunan agad dahil malaking hassle ito sa takbo ng eleksyon.


Dagdag pa ni Arao, hindi pwede sabihin na napasama lang sa ipinamimigay na balota sa mga OFW.

Ilan pa sa mga naiulat na aberya ay ang naglolokong vote counting machine sa Hongkong, delayed na pagpapadalang balota sa Netherlands at iba pa.

Samantala, una nang iginiit ng COMELEC na sinadyang inedit ang larawan ng isang balota kung saan wala ang pangalan ni Robredo.

Facebook Comments