Manila, Philippines – Sinibak sa Department of Tourism si Tourism Undersecretary Katherine De Castro pero inilipat din agad ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ibang posisyon sa pamahalaan.
Matatandaan na nasangkot sa issue ng katiwalian ang DOT matapos ang mahigit 60 million pesos na advertisement fund ng kagawaran na ibinayad sa Bitag Media na pagaari ng kapati ni dating Tourism Secretary Wanda Teo Tulfo na si Ben Tulfo.
Batay sa inilabas na Appointment Paper ng Malacañang na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na may petsang August 20 ay itinatalaga ng Pangulo si de Castro bilang miyembro ng board of directors ng Intercontinental Broadcasting Corporation o IBC-13.
Ito ay para punan ang nabakanteng posisyon at termino ni Manolito Cruz na magtatapos sa July 1 2019.
Pumalit naman kay de Catro sa DOT ay si Edwin Ragos Enrile.
Matatandaan na nakatanggap narin ng maraming batikos ang Administrasyong Duterte sa muling pagtatalaga sa mga nasibak nang opisyal ng Pamahalaan na sinasabing sangkot sa katiwalian.
Ito naman ay sa harap narin ng mga pahayag ni Pangulong Duterte na sa oras na makaamoy ng katiwalian sa kanyang mga opisyal ay agad niyang sisibakin ang mga ito.