Agarang interbensyon sa Fall Army Worm infestation sa Region 11, inihahanda ng DA

Inihahanda na ng Department of Agriculture (DA) ang agarang interbensyon upang isalba ang 430 ektarya na mga pananim na mais at iba pang root crops sa Region 11 na inaatake ng Fall Army Worms.

Kabilang na rin sa naapektuhang lugar ang lalawigan ng Davao del Sur, Davao Oriental, Davao City at iba pang lugar.

Ayon kay Regional Crop Protection Center Entomologist Mae Flor Parcon, kapag hindi agad natugunan ang peste sa pananim ay magiging banta na ito sa food security ng bansa.


Aniya, lubhang mapanganib ang trans-boundary insect na may mataas na potensiyal kumalat nang mabilis dahil sa natural distribution capacity nito.

Gayunman, sinabi ni Parcon na kayang kontrolin ang infestation sa rehiyon at hindi pa umabot sa alarming rate, sa halip, pinayuhan ang mga magsasaka na ipagbigay-alam agad sa local Agriculture Office kapag nakitaan na ng peste ang kanilang pananim para agad na matugunan.

Facebook Comments