Agarang lockdown sa mga lugar na mataas ang COVID-19 cases, iginiit ng mga senador

Dahil muli na namang lumolobo ang kaso ng COVID-19 ay umapela si Senador Kiko Pangilinan sa gobyerno na huwag sabog ang mga hakbang at isipin din na daig ng maagap ang masipag.

Giit ni Pangilinan, agad tukuyin ang mga barangay o mga bayan na marami ang kaso base sa testing at tracing at agad itong i-lockdown.

Ipinaliwanag ni Pangilinan na kung mahuhuli ang pag-lockdown sa mga lugar na mataas ang COVID-19 cases ay baka dumating uli sa sitwasyon na kakailanganin na i-lockdown na naman ang buong National Capital Region.


Mungkahi naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa pamahalaan, pakinggan ang rekomendasyon ng mga eksperto ukol sa pangangailangan na magsagawa ng localized lockdowns.

Una ring nananawagan si Senator Nancy Binay sa national at local government units na maghigpit ngayon pa lang sa harap ng nadadagdagang kaso ng COVID-19 Delta variant.

Facebook Comments